malapit na
thank you for all the best memories i will forever cherish in my whole existence.
naalala mo nung sinurprise mo ko sa jabi dala dala si bella? thank you. nung nagshow up ka sa bahay nung bday ni nicole na may dalang bedspread set? thank you. yung mga ginagawa mong video para saken habang nasa safeway ka. thank you. nung sinurprise mo ko with cloud 9, tas sa jabi pinagbbuksan mo pa ako tas binibigay/sinusubo mo saken? thank you. nung dinala mo ko sa LA.. thank you. naalala mo nung dinalhan mo ko ng food nung nagoffsite volunteer ako for target kahit na antok na antok ka na? thank you. nung takot na takot ako sa bahay kasi tinatakot ako nila anna at arch tas pinuntahan mo ko, thank you. yung mga times na wagas ka kung makayakap saken bago tayo matulog at pagkagaling mo sa work. thank you. naalala mo yung mga times na tumatambay ka sa target hanggang mag open para makasama ako kahit saglit lang tas babalik ka nanaman pagkaoff ko na? thank you. nung valentines 2014 na pumunta ka pang target para ibigay yung flowers kahit sabi mo hindi ikaw yung tipo ng tao na gagawa ng ganun. thank you. naalala mo yung mga times na humihingi ka ng kisses sa jabi pero ayoko kasi baka magalit sila sir davey.. pero nagkkiss padin tayo? thank you. yung mga paghawak mo sa kamay ko habang nagddrive ka. thank you. yung mga movie nights naten kahit pagod na pagod ka at wala kang tulog. thank you. yung mga ngiti mo saken na sobrang sincere at hindi pilit. thank you. yung mga posts mo saken sa fb lalo n yung ginawa mong video para saken. thank you. yung mga efforts mo sa pagluluto ng mga vegan food para saken. thank you. yung pagttiis mo maghintay puntang pinas para lang magkasabay tayo. thank you.
maraming maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para saken. hinding hindi ko makakalimutan lahat yan dahil araw araw kong namimiss yan at araw araw ko ding dinadasal na sana bumalik na saken yung taong nagparamdam dati saken ng sobra sobrang pagmamahal. na sana maiparamdam mo uli saken na mahal mo ako. kung alam ko lang na darating yung time na hihinto lahat yan, sana, malaking sana.. sana hindi mo nalang ginawa. nilagay mo ako sa sitwasyon na ang kaya ko lang gawin ngayon eh umiyak habang naaalala lahat yan.. habang pinapanuod kita na papalayo ng papalayo yung loob saken.
you put me in this situation and then you left me all alone. you were supposed to be the one. but here i am crying. you are fully aware that here i am crying but you chose to sleep anyways.
you were supposed to be the one.
