3.03.2007

come forth March...

march na.wala paring nagbabago. ganon padin ang sitwasyon ko.

sa bahay, di padin kami okay ni tyron.kelan nga ba kami naging okay?!tanga ko naman para umasa pang dadating yung time na bigla nalang kaming magbonding.awkward yun kung ganon.sa dami ng mga galit na naipon sa puso namin laban sa isa't isa, aasa pa ba akong mawawala nalang yun at bigla nalang namin mahalin ang isa't isa tulad ng pagmamahalan ng magkakapatid.minsan nga, sabi nung classmate ko, only child lang siya at gusto niya ng older brother..sabi ko naman sa kanya na si tyron.tignan ko lang kung di siya magsisi sa hiling niya. ako nga suko na talaga eh. ayoko na magreach out sakanya.sayang lang effort. di bale, di naman kami forever na magkasama eh. dadating din yung panahon na makakaalis ako sa bahay na to at mabubuhay nag masaya.nang wala siya!

tungkol naman sa school, eto, di na talaga ako pumasok.next semester nalang.masscomm na ko next sem.woohoo! nakakaexcite pero nakakatakot din.bagong classmates..bagong lessons..bagong instructors.pero okay lang din.yun gusto ko eh di panindigan ko.ngayon pa ba ako susuko eh nasabi ko na kay mama.syempre nagtampo siya.sayang daw yung my units na nakuha ko na.pero diba mas nakakhinayang pag tinuloy ko tapos di ko maipapasa. sa huli, umoo na din siya.mahal ako nun eh.di yun maitatanggi.

kay kath??eto, stagnant padin. asa pa kasi akong mababasa niya yung posts ko eh di naman niya alam yata na my blog ako.weird ko talaga.duwag lang ako.ayoko lang marinig o makita yung reaction niya sa mga sinabi ko kaya dito ko dinadaan.baka di ko kayanin.baka masaktan lang din ako kapag tinalikuran niya ko.eh pano kung sampalin niya ako diba??scary pa man din yun minsan. mukha lang siyang inosente pero ang totoo, palaban yun. kaya niya sarili niya.minsan nga lang, nanghihina din siya.nagiging marupok din siya.gusto ko na ngang makasama siya uli.para pag dumating yung mga panahong mahina siya, ako ang magiging lakas niya.pero di na ata niya ako kailangan ngayon.andyan naman si gian para maging lakas at sandalan niya.aanhin pa niya ako eh naging bad friend ako sakanya.sa totoo lang, miss na miss ko na siya.wala ng nagungulit.wala na yung bestfriend ko na laging nandyan sa lahat ng panahon. nawala ko siya sa kalokahan ko.kath!miss ko na ikaw.balik ka na please.....