kwento ng pag-ibig
kung ikaw ay isang kwento
ikaw ang pinakamagandang kwento!
punong-puno ng buhay
...saya, takot, kagandahan at lumbay
isa kang kwentong maalala ng lahat
isang kwentong makulay at tapat
bawat pahina, may dalang tuwa
galak na hindi maikakaila
ikaw ang pinakamagandang kwento ng buhay ko
saya, pag-ibig at kagandahan ang dala mo
kinumpleto mo ang pagkatao ko
pinasigla mo ang bawat sulok ng buhay ko
kung wala ka, kulang na kulang ako
kung wala ka, malungkot ang buhay ko
ikaw ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko
ikaw ang kwentong habangbuhay na nasa puso ko!
